Pahaba

Archived in the category: Litratong Pinoy
Posted by MrsPartyGirl on 24 Apr 08 - 11 Comments

Litratong Pinoy

Ano pa kaya ang dapat gawin ng isang katulad ko
Upang paniwalaan at intindihin mo
Ang mga nais sabihin ng puso ko
Bigyan mo ako ng pagkakataon
Paliwanagan ang iyong isip
Kahit sandali lang, patutunayan ko lang
Na mahal kita hanggang ngayon

~~~

Isa pang Pahaba DITO.

11 comments for “Pahaba”

1

Maganda ang iyong larawan, Meeya. Hmm…siyempre hindi ko yata alam kung anong bag yan :)

julie’s last blog post..Litratong Pinoy: Pahaba

hi julie, yung bag ay from Tumi. isa siyang body/messenger bag na lagi kong gamit dati kapag kasama ko ang aking anak at kailangang libre ang aking dalawang kamay para sa paghahabol. :) hindi ko na nga lang siya masyadong nagagamit lately, at natuwa ako nang maisip ko siyang gamitin para sa LP ngayong linggo. at least nasinagan siya ulit ng araw. :) ~m

April 24th, 2008 at 4:06 am
2

naks, ibang parte ng bag. :) ano kaya ang malungkot mong entry next week? aabangan ko to :D

Dyes’s last blog post..LP # 4 – Parihaba

hi dyes, nauubusan na ako ng bags at ideas hahaha! good luck na lang sa akin next week. :) ~m

April 24th, 2008 at 4:44 am
3

Ano pong bag yan? *kamot ulo*

hi thess, palibhasa ang mga kilala mong bags ay camera bags lang, haha! ito po ay isang messenger bag na gawa ng Tumi. ~m

April 24th, 2008 at 10:45 am
4

muntik nang tumi ang mabiling laptop/overnight bag ni D nung nasa san marcos kami bandang january. medyo nagdalawang isip siya sa presyo kaya hindi natuloy. hahaha! :)

Mga Pahaba sa Dallas
Mga Pahaba sa Houston

Weng’s last blog post..Healthy Breakfast

hi weng, sulit naman siya! aside from being very durable, waterproof pa siya kaya garantisadong protektado ang laptop ni D. atsaka ang bawat laptop bag ay may built-in microchip. kapag na-misplace ang bag, madaling i-trace, o di ba? ~m

April 24th, 2008 at 11:40 am
5

a mommy’s bestfriend! nice one meeya :) ako rin may ganyan, messenger bag na maliit pero brown. you’ll love it too.

hi ris, patingin! hehe! this little baggy has served its purpose talaga. kaya lang, now that ninna’s bigger na pwede nang i-reserve ni mommy ang isang hand for a nicer tote, hehe! ~m

April 24th, 2008 at 5:53 pm
6

kakaibang parihaba… di ko naisip :D

Linnor’s last blog post..Hugis ay Pahaba

hi linnor, ang bilin naman ni miss LP ay pahaba and not necessarily parihaba kaya heto, ang mahabang strap ng aking parihabang messenger bag. :) pwede na di ba? :) ~m

April 24th, 2008 at 7:14 pm
7

salamat sa pagbisita sa blog ko.

shutterhappy jenn’s last blog post..LP – Hugis ay Pahaba

hi jenn, salamat din sa pagdalaw. ~m

April 24th, 2008 at 9:42 pm
8

Meeya, ito pa lang ata ang unang litrato ng bag nakikita ko ngayong linggo. tugmang-tugma siya sa tema… ako ay mahaba.

Naku kapag may bata talaga, kailan ay bakante lagi ang iyong dalawang kamay kung hindi ay lagot… mahirap silang alagaan. Salamat sa mga body bag. kami ang gamit namin ay maliit na back pack.. yun nga lang di siya fashionable :)

Clicking Away’s last blog post..LP004 – Hugis Ay Pahaba

hi keith, thanks. totoo friend! siguro ang from infancy to three years old ni ninna ang least fashionable years of my life, hehe. kasi naman, di ba bawala ng alahas at pabango nung baby pa siya, tapos kailangan either backpack or messenger bag para nga free ang mga kamay, tapos better kung ang sapatos mo ay sneakers or chinelas or anything flat para madali maghabol, tapos tshirt-tshirt lang kasi sayang naman kung mapapa-burp siya sa suot mo, hehehe. haaaay, i’m glad those days are over. at least for now. :) ~m

April 25th, 2008 at 2:02 am
9

isang tunay na bag lady…lahat yata ng klase ng bag meron ka eh…. ;)

ganda ng kuha mo…dramatic ng dating :)

jeanny’s last blog post..LP#4 Hugis ay Pahaba

thanks, jeanny! :) hindi naman lahat ng klaseng bag… meron pa rin akong mga hinahangad hehe. pero tsaka na yun pag nanalo ako sa lotto. :D ~m

April 25th, 2008 at 9:31 am
10

Siyempre, Mama Mee, wala na naman akong alam tungkol sa bag – hahaha! :lol: Pasensya na, talaga atang walang nananalaytay na “dugong fashionista” sa mga ugat ko! ;)

Pinky’s last blog post..LP #4: Hugis ay Pahaba

hi pinky, ok lang no, hehe. baka ako lang yung over-addict sa bags so that means ikaw ang normal at ako ang hindi, haha! ~m

April 25th, 2008 at 4:15 pm
11

bwahaha! syempre dapat may “bag” talaga na lahok. :D

mayroon ka kayang “bag” na malungkot para sa darating na huwebes??! ;)

Dragon Lady’s last blog post..L.P. #4: Hugis ay Parihaba

hi judy, suspense! :) ~m

April 29th, 2008 at 12:04 pm

Leave a Reply

whereelse